ILANG PRODUKTO NG MEKENI POSITIBO SA ASF

MEKENI

NAGPOSITIBO sa African Swine Flu (ASF) ang longganisa at hotdog products ng Mekeni Foods Corporation.

Batay ito sa pagsusuri ng Food and Drug Administration (FDA) na nasa ilalim ng Department  of Health.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kusang loob namang tinanggal na ng Mekeni sa merkado ang kanilang mga produkto.

Pahayag ni Domingo na patuloy ang ginagawa nilang pag-iikot sa lahat ng meat processing companies sa iba’t ibang panig ng bansa.

Sa 178 aniyang nagpoproseso ng karne, 68 na ang kanilang na inspeksiyon at napatuna­yang sumusunod naman sa mga regu-lasyon.

“Kasi ngayon ang hatian namin, ‘pag hilaw na karne sa kanila, ‘pag processed sa FDA, kaya lang kulang po talaga ang inspector ng FDA. So, we will be giving our NMIS counterparts to authority, to also look into processed meat products both storage and in the factory. We’ll also work with the Bureau of Cus-toms and the DOH, bureau of quarantine, to check that the importations of meat products from ASF affected countries whether for commercial use or ‘yung hand carry nila mababan­tayan din natin at mare-regular,” ani Domingo.

Comments are closed.