ILANG RECRUITMENT AGENCIES LUMILIPAT NA SA HONG KONG

PASAY – MAKARAANG ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Du­terte ang deploymet ng overseas Filipino work­ers (OFW) sa Kuwait, inilipat na ng Private recruitment agencies (PRAs) ang kanilang operasyon sa Hong­ Kong.

Ayon sa isang may-ari ng agency sa Maynila, inaalisan ng karapatan ang mga local recruiter upang makabawas ng service fee na ibinabayad ng HK agencies sa re­cruitment ng household service workers (HSW).

Nabatid na ang HSWs ay hindi nag­babayad ng placement fees para sa deployment, ngunit pinagbabayad ang mga ito ng agencies ng training fees, medi­cal examinations at iba pang miscellaneous fees bilang bayad sa kanilang serbisyo.

Ayon sa record, ang deployment ng OFW sa Hong Kong ay umabot sa 41,925 noong 2016 kung ikukumpara sa 28,000 noong taong 2015 sapag­kat tumaas ang demand dahil sa paglipat ng ilang OFW sa Russia, sa kaga­gawan ng HK syndicate.

Sa kabuuan na 206,362 job orders para sa household workers, nitong nakaraang bu­wang ng December, 154,511 ang para sa Hong Kong, 30,699 para sa Singapore, 11,325 na­man sa Cyprus, 6,619 sa Brunei at 3,308 naman sa Macau. FROI MORALLOS

Comments are closed.