(Ilang residente lumikas na) ALERT LEVEL 3 SA TAAL VOLCANO, ASUPRE IBINUGA

BAGAMAN nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na hindi maaabot ng pagsabog noong 2020 ang pag-aalburuto ngayon ng Taal Volcano, nagdulot din ito ng labis na pangamba bunsod ng patuloy na pagbuga ng smog o asupre.

Kahapon,pasado alas-3 ng hapon ay itinaas sa Alert Level 3 ang status sa paligid ng bulkan.

Ayon kay Mariton Bornas, pinuno ng Volcano Monitoring ng Phivolcs, depressurized na tinatawag at hindi na nakapag-iipon ng sapat na gas ang bulkan dahil pumutok na ito noong 2020.

Gayunpaman, patuloy ang pagbabantay ng kanilang ahensiya dahil posibleng tumaas o bumaba ang mga aktibidad ng Taal.

Kung magtutuloy-tuloy aniya ang abnormal na aktibidad, posibleng iakyat nila sa alert level 4 ang Taal mula sa alert level 3 subalit kung bababa naman ang mga aktibidad nito sa susunod na dalawang linggo, maaaring ibaba na ulit ito sa alert level 2.

Pinawi naman ni Phivolcs Director Usec. Renato Solidom ang pangambang ash fall dahil sa paligid lang ng bunganga ng bulkan ito naitatala dahil mababa lang ang naging pagbuga nito.

Hindi rin aniya dapat mabahala ang mga nasa Tagaytay o magpupunta sa nasabing lugar dahil hindi ito apektado.

Sa forecast ng Phivolcs, magtutuloy-tuloy pa rin ang buga ng asupre mula sa Taal pero hindi pa nila masabi kung magkakaroon ng pagsabog sa mga susunod na oras.

Samantala, sinabi naman ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas na nagpadala na sila ng mga dump truck sa Agoncillo at Laurel matapos irekomenda ng Phivolcs ang paglilikas.

Hanggang ala-7:30 ng kagabi ay may mga lumikas na mula sa mga bayan ng Talisay, Laurel at Agoncillo.

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction Management Council na may paglilikas na sa ilang barangay sa Laurel, Talisay at Agoncillo sa Batangas.

Una nang tinukoy ng Phivolcs ang mga lugar na dapat nang lisanin at ang mga ito ay Brgy. Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo

Sa bayan naman ng Laurel ay inililikas na ang mga residente sa Brgy. Gulod, Boso Boso at Lakeshore Bugaan East

Nasa 3,523 pamilya ang target na mailikas o katumbas ng 14,495 na indibidwal. EUNICE CELARIO

21 thoughts on “(Ilang residente lumikas na) ALERT LEVEL 3 SA TAAL VOLCANO, ASUPRE IBINUGA”

  1. 201205 35428I love the look of your site. I lately built mine and I was looking for some concepts for my site and you gave me several. Might I ask you whether you developed the website by youself? 704084

  2. 991676 263459This was an incredible post. Truly loved studying your internet site post. Your data was really informative and helpful. I believe youll proceed posting and updating frequently. Searching forward to your subsequent one. 108352

Comments are closed.