NALUNGKOT ang ilang mga residente ng Pasig City dahil wala umano sila sa listahan ng Social Amelioration Program (SAP) gayundin sa supplemental ng nasabing programa ng lungsod.
Kabilang sa wala sa listahan umano ay sina Melchor Orense at Lolita Valiente ng Barangay Kapasigan,habang inamin na nakatanggap naman sila ng Pamaskong Handog, at sa katunayan anila, may sticker pa sila sa pintuan.
Ang sticker na idinidikit sa mga pintuan ay katunayan na nakatanggap na ang pamilya ng Pamaskong Handog at may rekord na siya para sa iba pang mga programa ng lokal na pamahalaan sa hinaharap.
Ngunit sa isang Facebook post ni Mayor Vico Sotto, sinagot nito ang ilang mga tanong tulad ng bakit [pa] may listahan kung nagbabahay-bahay naman.
Pinagbabasehan namin ang listahang nanggaling sa Pamaskong Handog. Mula rito, tinatanggal namin ang mga naka-tanggap na ng National SAP at iba pang di kwalipikado. Base dito, may masterlist tayo na ginagamit ng mga Team Leader natin na parang mapa,” dagdag pa ng alkalde.
As of May 9, umabot na sa P63,136,000 ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan ng Pasig sa 7,892 pamilya na tig-8,000 batay sa datos nito.Ito ay mahigit 5% pa lamang ng P1.2 bilyon na inaprubahan ng City Council noong nakaraang buwan upang mabigyan ng cash assistance ang mga lehitimong pamilyang Pasigueño na hindi napasama sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Matatandaan na sa kabuuang 206,000, umabot lamang sa 93,000 pamilya ang napasama sa listahan ng DSWD-SAP na makatatanggap ng P16,000. ELMA MORALES
Comments are closed.