NAHAHARAP sa kaso ang labing anim na Mega Market storeowners ng Pasig City matapos silang mahuli ng Food and Drug Administration (FDA) na nagbebenta pa rin sila ng banned mosquito coils na hindi ligtas gamitin para sa mga tao at maging sa hayop.
Inihayag ni Ret. Police Gen. Allen B. Bantolo, hepe ng FDA Regulatory Enforcement Unit, na ang 17 storeowners ay makakasuhan ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9711 o ang FDA act of 2002 na nagpapataw ng 5 hanggang 10 taon na pagkakabilanggo at multa na P500,000 hanggang P5 milyon bawat isa sa guilty parties.
Ang storeowner-suspects ay natukoy na sina: Normila Bantayao; Alejandro Baldos; Lampe Ayah; Norma Bagalay Ogsimer; Lilibeth Martin Bartolo; Helen R. Jalbuena; Richard C. Macasied; Marilou B. Ansielmo; Andapa T. Solaiman; Ma. Elena Cruz; Janice Llamera Sepe; Jaika V. Santos; Agakhan Doroan Disimban; at Dako Sautagar na may-ari ng dalawang puwesto; ang store-owners ng New Xie Enterprises Corp., at Novo/Uncircle General Merchandize.
“These 16 storeowners and/or establishments were all caught red-handed selling the banned Wawang, Baoma or Gold Deer High Quality Mosquito Coils based on FDA order No.2017-034 signed by FDA Director General Nela Charade G. Puno,” ani Bantolo.
Nagsagawa ng raid sa iba’t ibang puwesto sa Pasig City Mega Market noong Hunyo 27 ang FDA agents, na backed up ng National Capital Regional Police Office’s Regional Mobile Force Battalion (RMFB), sa koordinasyon sa Eastern Police District at Local Government Unit of Pasig City.
Nakakumpiska ang raiding team ng total na 2,352 karton ng Wawang High Quality Mosquito Coil; 110 karton ng Baoma Mosquito Coil; at 281 kahon ng Gold Deer High Quality Mosquito Coil. Bawat karton ay nagtataglay ng 10 mosquito coils.
Sinabi ni Bantolo, na ang paggamit ng substandard at posibleng may halo na household urban pesticide products ay puwedeng magresulta sa iba’t ibang skin irritation tulad ng pangangati, anaphylactic shock, respiratory disorders, endocrine complications, brain damage and organ failure,” sabi niya.
Dagdag pa niya na ang FDA, noong Oktubre 2017, ay nag-isyu ng advisory sa publiko, the local government and law enforcement units sa bansa, na siguruhin na ang mga potentially harmful insecticides ay hindi dapat naka-display sa mga tindahan.
“But some unscrupulous traders continue to smuggle and dump them in the local market,” paliwanag niya.
Para maiwasan ang mga pekeng produkto, hindi rehistrado at posibleng hindi ligtas na household or urban pesticide products, nagpaalala ang FDA sa mga consumer na bumili sa mga kilalang tindahan at dealers; basahin ang label at itsek ang FDA registration number; bumili ng produkto na may nakasulat na instructions sa Filipino man o English; at mahigpit na sundin ang instructions para sa paggamit ng nasabing produkto.
Comments are closed.