NAGSIMULA nang magtaas ang presyo ng tinapay sa ilang supermarket.
Nasa limampung sentimos (P0.50) hanggang piso at limampung sentimo (P1.50) ang itinaas ng kada pakete ng tasty at pandesal.
Una rito, sinabi ni Philippine Association of Flour Millers Executive Director Ric Pinca, mahigpit ang supply ngayon ng wheat o trigo sa world market.
Dahil dito ay nagmahal aniya ang harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
Samantala, dagdag piso (P1.00) naman sa kada pakete ng Pinoy tasty at limampung sentimos (P0.50) sa kada pakete ng Pinoy pandesal ang hiling ng mga panadero sa katapusan ng Oktubre.
Ayon sa mga panadero, bukod sa harina, tumataas din ang presyo ng LPG, asukal at iba pang sangkap sa paggawa ng tinapay.