ILANG TANIMAN NG TALONG PINEPESTE

TALONG FARM

UMAARAY ang ilang magsasaka sa Villasis, Pangasinan dahil pinuputakte ng mga peste ang ilang taniman nila ng talong dahil umano sa epekto ng malamig na panahon.

Ayon sa isang magsasaka, isa-isa niyang tinitingnan ang bunga ng kanyang tanim na talong. Nasasaktan siya umano dahil pinagpipiyestahan ng white fly ang bunga habang sinisira naman ng stem borer ang katawan ng halaman.

Mabilis daw silang dumami sa dahon ng mga pananim kapag malamig ang panahon, kaya ang resulta, inuuod ang mga bunga at natutuyo ang mga pananim.

“Maraming uod, insekto, ganu’n… Tinutusok nila ‘yung bunga, kaya nasa loob na ang uod,” pahayag nito.

Ayon pa sa magsasaka, madalas umatake ang mga peste sa mga high-value crops tulad ng talong, kamatis, pechay, sili, at upo kapag malamig ang klima sa umaga at mainit sa gabi.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala ng peste sa taniman ng talong sa Villasis.

Pero may mga paraan daw na puwedeng gawin ang mga magsasaka at nagrerekomenda ang Provincial Agriculture Office sa paggamit ng green-house sa high-value crops para maiwasan ang pagdami ng peste.

BANGUS GROWER SA SUAL, PANGASINAN PROBLEMADO RIN

Samantala,  problema naman sa Sual, Pangasinan ng mga bangus grower ang pagkamatay ng mga fingerlings.

Humihina raw kasi ang metabolismo at pagkain ng isda kapag malamig ang panahon.

“Ngayon kasi kapag maliliit pa namamatay,” ayon sa bangus grower.

Dahil dito, nagpayo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), na ilagay sa oras ang pagpapakain sa mga bangus tuwing tirik ang ar-aw.

Sa ngayon, stable daw ang suplay ng ba­ngus pero bahagyang tumaas ang presyo nito sa mga palengke.

Comments are closed.