ILANG TRANSPORT GROUPS ‘DI SASALI SA TIGIL-PASADA

JEEPNEY-5

ILANG transport groups ang nagpasyang huwag sumama sa week-long transport strike na inorganisa ng kanilang mga kasamahan.

Ang tigil-pasada ay ikinasa simula ngayong Lunes, Marso 6, hanggang Marso 12.

Bagama’t kinikilala ang pagtutol ng iba pang transport groups sa public utility vehicle (PUV) modernization program ng pamahalaan, sinabi ni Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Ricardo Rebaño na ipagpapatuloy nila ang pagseserbisyo sa mga commuter.

“Maraming sa ating kababayan ang magsa-suffer dito samantalang puwede naman nating upuan. Mag-usap po tayo nang maayos kung ano ang problema at puwede naman nating solusyunan,” pahayag niya sa panayam sa Super Radyo dzBB.

Aniya, karamihan sa mga miyembro ng FEJODAP, kabilang ang mga nasa labas ng National Capital Region (NCR), ay hindi sasali sa transport holiday.

Samantala, sinabi ni Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) President Lando Marquez na umatras na rin sa strike ang ilang transport groups na naunang nangakong sasama sa tigil-pasada.

Kabilang sa mga ito ang Pasang Masda, FEJODAP, ALTODAP, BCDO ACTO, Pasang Masda, at ang Stop and Go Transport Coalition.

Marquez, along with Pasang Masda President Obet Martin, slammed the week-long transport strike planned by some of their colleagues.