ILAW NG PAG-ASA SA GITNA NG PANDEMYA

Joes_take

ANG patuloy na pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pamahalaan ay napakahalaga sa pinagdaanan ng ating bansa ngayong panahon ng pandemya. Ito ang susi upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na ating kinakaharap. Ika nga ng isang kasabihan, “Every cloud has a silver lining.”

Talagang naging matindi ang epekto ng COVID-19 sa global na ekonomiya at lalo na sa paglago ng ekonomiya ng ating bansa ngunit hindi na dapat mangamba dahil nagsisimula na ang ating pagbangon.

Nakatuon ang pansin ngayon sa Meralco, sa mga sagot sa katanu­ngan at pagpapaliwanag sa mga customer na nagnanais na maliwanagan ukol sa kanilang natanggap na bill noong tayo’y nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Sinisikap ng Meralco na sagutin isa-isa ang mga katanungan ng mga customer. Batid ng kompanya na tala­gang marami pang katanungan ang mga customer patungkol sa kanilang bill at sa kung paano ito mababayaran. Sa kabila ng pagsubok na ito, na­ngangako ang Meralco na patuloy ito sa pagbibigay serbisyo sa ­aming mga customer at sa pagsiguro ng tuloy-tuloy na daloy ng ­koryente,  24/7 sa mga kabahayan.

Ang One Meralco Foundation (OMF), ang corporate social responsibility arm ng kompanya, ay ginagampanan din ang kanilang tungkulin upang makapagbigay ng mas magandang ser­bisyo ngayong panahon ng pandemya. Patuloy ang pagtulong ng OMF sa iba’t ibang komunidad sa bansa, hindi lamang sa lugar na kinasasakupan ng Meralco.

Nagbigay ang OMF ng mga personal protective equipment (PPE) sa mga frontliner at mga care packages sa mga pamilyang kinakapos sa panggastos ngayong panahon ng pandemya sa mga lugar na sumailalim sa ECQ. Dagdag pa rito ay bumili ang OMF ng higit sa apat na tonelada ng mga sariwang gulay at ibinigay ito sa iba’t ibang mga ospital, shelter, at mga komunidad na may matinding pangangaila­ngan. Ang inisyatibang ito ay ginawa sa pakikipagtulungan sa Bayad Center, isa sa mga subsidiary ng Meralco.

Ang proyektong ito ay tinawag na “From the Farmers to the Frontli­ners (and Marginalized)”. Ito ay naglalayong masiguro na ang mga frontliner at ang mga mamamayang nangangailangan ay magkakaroon pa rin ng sapat na nutrisyon sa kanilang pangangatawan upang malabanan ang virus na COVID-19. Ang proyekto ay nakatulong din upang madagdagan ang kita ng ating mga magsasaka na ang mga negosyo ay naapektuhan din ng pandemya.

Ang serbisyong ibi­nigay ng OMF ay nakatulong sa mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga magsasaka at sa mga nakatanggap ng mga produkto. Mula pa noong Abril, ang mga magsasaka mula sa Batan, Kabayan, at Benguet ay nagsimula na sa paghahatid ng 3,000 na kilo ng mga sariwang gulay. Ang mga sariwang gulay na ito ay ibinigay ng OMF sa Cardinal Santos Medical Center, The Medical City, Philippine Ge­neral Hospital, Research Institute for Tropical Medicine, Pagamutan ng Dasmarinas, Las Piñas General Hospital, Pasay General Hospital, Navotas Hospital, Ospital ng Malabon, at Ospital ng Imus.

Ang mga natukoy na komunidad na may ma­tinding pangangailangan sa mga lugar ng Quezon City, Antipolo, Maynila, Valenzuela, Taguig, San Juan, Mandaluyong, Caloocan, at Pateros ay nabahaginan din ng sariwang produkto.

Mahusay ang paglaban ng OMF sa pandem­yang ito. Noong panahon ng ECQ, ang OMF ay namahagi ng 17,000 face masks, face shields, mga protective suit, at surgical glove sa mga healthcare worker sa 30 ospital at mga lokal na pamahalaan. Kasama rin dito ang 10,000 face masks na ibinigay ng FiberHome, isang telecommunication na kompanya.

Nagpamigay rin ang OMF ng mga care package sa halos 8,000 maralitang pamilya sa lugar na nasasakupan ng Meralco. Ang donasyon ay mula sa Meralco Employees’ Fund for Cha­rity  (MEFCI), at indibidwal na kontribusyon ng mga empleyado ng Meralco.

Nagbigay rin ang OMF ng mga desktop computer sa Philippine Genome Center, ang nagsisilbing COVID-19 command center ng University of the Philippines system. Ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at Philippine Red Cross (PRC) ay nakatanggap din ng desktop computer mula sa OMF. Ang SBMA at PRC ay nagtatayo ng testing facility sa Subic Bay Freeport na may kapasidad na makapagtest ng 2,000 sample kada araw.

Bilang suporta sa inisyatiba ng OMF, tumulong ang Meralco sa pagpapalakas ng sistema ng transportasyon sa bansa. Sa pakikipagtulungan sa eSakay, ang electric transport solutions subsidiary ng Meralco, naghandog ang OMF ng libreng shuttle service sa higit 47,000 health worker at mga essential service provider gamit ang mga electric vehicle nito.

“Conducting relief operations during the ECQ was a tough challenge, not only because of the limited mobility but also because of the risks involved. Thanks to our peers in Meralco, our advocacy partners, and donors, we were able to reach out to more frontliners and families,” pahayag ni Jeffrey Tarayao, OMF President.

“We also received a generous donation from Meralco employees, who raised more than PhP 2 million from their own pockets to support our crisis response efforts. It is an honor to be trusted by individuals and institutions within and outside of Meralco.  We assure them that ­every bit of their donation be­nefits those who need it the most,” dagdag ni Tarayao.

Maaaring mahaba pa ang daang tatahakin ng bansa sa paglaban sa COVID-19 at sa tuluyang pagbangon ng ekonomiya ngunit ako ay lubos na naniniwala na ang Meralco at ang OMF ay ginagawa ang lahat ng aming makakaya upang matulungan ang ating mga frontliner. Kami ay umaasa na ang mga inisyatibang ito ng Meralco at OMF ay magsisilbing ilaw ng pag-asa sa pagsubok na ito at sa pamamagitan nito ay mahikayat din ang ibang kompanya na tumulong sa ating pamahalaan.

Comments are closed.