Malapit na pala ang Pasko. Ilang kembot na lang, Merry Christmas na. Kaya naman pala naglabasan na ang mga Christmas lights at nakakarinig na rin ako ng mga Christmas songs.
Kaya naman hinihintay na nating dumilim ang langit, nagsisimula nang magkaroon ng magic sa paligid. Ito kasi ang time na magbubukasan ang mga artificial lights, upang maitulak ang dilim.
Ang tawag dito, lighting fixtures for ambiance. Hindi lamang sila functional; sila ang mga unspoken artists ng ating bahay at opisina, na humuhubog sa ating mood para maging malungkot o masaya.
Pero depende yon kung meron kang innovative lighting fixtures. Kaya kasi ng ilaw na pagandahin ang kahit simpleng bahay lamang.
Hindi ba napakaganda ng maliwanag na bahay? Mas alive kasi ito, responsive sa mood, adjustable, at masarap tirahan.
Kung maliit lamang ang bahay, mas madali itong ayusan ng lighting fixtures. Madali ring isipin kung anong lighting fixtures ang ilalagay dahil makatutulong ang technology.
Hindi lang naman mga bombilya at lampshades ang usapan dito. Usapan din ang color schemes. At ang ilaw, depende yan sa kulay ng bahay. Kung may yellow light sa violet wall, magkakaroon ng air of mystery sa bahay. Kung aqua green naman ang dingding mo, qhite light ang best dyan.
Sa dining room, perfect ang bright yellow lights para sa masayang ambiance. Pero kung mas gusto ninyo ang romantic, candlelight will do.
Hindi lang ambiance ang usapan sa ilaw. Pwede ring i-promote nito ang wellness sa pamamagitan ng pag-a-align ng biological clock sa kapaligiran.
Kung aesthetics naman ang usapan, pwede rin ang pendant lights para maging room accessories. Ibagay mo lang sa design ng room.
Okay lang gumamit ng chandeliers lalo na kung may pambili ka naman — medyo mahal kasi.
Ngayong sumisikat na ang industrial design, nagbi-blend na dito ang lighting fixtures for ambiance. Ang tawag dito, juxtaposition. Ito ang nagpapakita ng desire for authenticity and nostalgia habang nananahan sa makabagong mundo.
Sa ibang spectrum, may okay ang minimalist designs kung saan topnotcher pa rin ang simplicity. Kalinisan sa bahay, geometric shapes, at monochromatic colors ang nakalilikha ng payapang atmosphere na nagbibigay ng relaxation at katiwasayan ng isip.
Kung eco-conscious ka naman, at hindi mo kailangan gaano ang style, pwede na ang LED technology.
Okay rin naman ang vintage-inspired Edison bulbs para sa contemporary style — yun nga lang, mas malakas yan sa kuryente. Pero mas matagal naman silang gamitin kesa mga LED lights. — Nenet Villafania