ILEGAL NA GUMAGAWA NG E-PASSPORTS IBINUNYAG

E-PASSPORTS

KASUNOD ng pag-uulat ni Foreign Affairs Secrtary Teddy Locsin sa paglimas sa data ng passport holders, ibinunyag ni dating DFA  Secretary  Perfecto Yasay Jr. na mayroong isang private printing company ang ilegal na gumagawa ng electronic passports para sa DFA.

Naniniwala  ang da­ting kalihim na ang natu­rang insidente ay bahagi lamang ng mas malaking kuwento.

Inaalala nito na noong Agosto 1, 2006, nagpasok sa isang kasunduan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ang DFA sa pagbili at centralized production ng machine-readable electronic passports (MREPs) bilang compliance sa standards na itinakda ng International Civil Aviation Organization (ICAO).

Sa pamamagitan ng bidding, ini-award ng BSP ang main part ng proyekto sa Francois-Charles Oberthur Fiduciare (FCOF), isang french company.

Pero hindi angkop sa itinakdang standards ng ICAO ang mga pasaporteng gawa ng FCOF kaya naman ini-award muli ng DFA noong Oktubre 5, 2015 ang production ng bagong E-Passort system sa PO Production Unit Inc. (APUI).

Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Yasay na bunsod ng aniya’y “stinky passport issue,” marapat na magsagawa ng isang “impartial and thorough investigation” sa lalong madaling panahon.

Sa naunang post, kinuwestiyon ni Yasay kung bakit kailangang magsakripisyo ang publiko sa kapalpakan ng i­lang opisyal ng gobyerno na nakipagsabwatan pa sa dating outsources passport makers na umano’y nagnakaw sa passport database.

Sa kanyang tweets nitong Sabado, iginiit ni Locsin na ang problema sa pagkawala ng data ay nagsimula sa administrasyon ni dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal Arroyo.

Lumala pa umano ito sa panahon ng adminis­trasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi ni Locsin na kanyang pananagutin ang mga dilawan na pumasok sa naturang passport deal.

Aminado si Locsin na banta sa national security ang nangyaring data breach.

Gayunman, mananatili siyang mahinahon dahil hindi naman aniya nangyari ang naturang isyu sa ilalim ng kanyang pamumuno. VERLIN RUIZ