ILEGAL NA MANGINGISDA BANTAY- SARADO SA LLMO, PNP-MARITIME

NAGLUNSAD ang pamunuan ng Laguna Lake Management Office (LLMO) at PNP-Maritime Group ng operasyon laban sa mga ilegal na mangingisda sa Laguna de Bay.

Ang naturang operasyon ay bahagi ng pangangalaga at pagbibigay proteksyon ng naturang ahensya na siyang naatasang mangalaga sa naturang lawa.

Sa nasabing operasyon ay upang habulin ng mga awtoridad ang mga mangingisda na nagsasagawa ng illegal at unauthorized fishing sa Laguna De Bay partikular na sa bahagi ng lawa na nasa Muntinlupa City,

Agad naman umanong nakatunog ang mga mangingisda at iniwan lamang ang kanilang mga kagamitan at bangka kasama na ang 300 kilo ng nahuling isda.

Nagbabala naman ang pamunuan ng LLMO at PNP-Maritime Group na hindi sila titigil sa pagmamanman sa mga ilegal na mangingisda sa naturang lawa.

Patuloy naman ang pag-iikot ng mga law enforcement officer ng dalawang unit para matiyak na walang makakapagsagawa ng ilegal na aktibidad dito.

Kung saan nasasakupan ang ilang mga lungsod ng Metro Maynila, Rizal Province at Laguna.
EVELYN GARCIA