ILIGAL NA AKTIBIDAD NG DAYUHANG TENANTS, ISUMBONG NG CONDO OWNERS

UMAPELA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco sa mga may-ari ng condominium units na isumbong sa kagawaran kung may illegal na aktibidades ang dayuhang tenants sa kanilang lugar.

Ang apela ni Tansingco ay kasunod ng expose ni Senate Committee on Women, Children, and Family Relations na pinamunuan ni Senator Risa Hontiveros na ilang condominiums unit sa Metro Manila ay ginagamit ng mga scam operators.

“Both local law enforcement agencies and the BI have difficulty simply entering condominiums, as these are residential areas, unlike offices of companies,” ayon kay Tansingco.

Pinaalalahanan din ni Tansingco ang mga may-ari ng condo building na ang paglaban sa human trafficking ay parehong responsibilidad ng bawat isa.

Sinabi rin ng BI Chief na mairere-konsidera na harboring illegal aliens ang sinumang hindi ire-report ang mga illegal na activities ng isang dayuhan na maikokonsider na criminal offense sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940 na may sentensya ng 10 taon na pagkabilanggo.

“If there are illegal aliens in your vicinity, report them to immigration, or to the local law enforcement agencies,” ayon kay Tansingco. “Protectors of aliens doing illegal activities in the country are also liable by law,” babala pa nito. PAUL ROLDAN