ILLEGAL CAMPAIGN POSTERS BINATIKOS

ILLEGAL CAMPAIGN POSTERS.jpg

NADISMAYA ang environmental watchdog sa patuloy na pagkalat ng mga poster na nakalagay sa mga ipinagbabawal na lugar matapos na pormal na magsimula ang kampanya sa local candidates nitong Marso 29.

Umapela ang grupo sa mga kandidato at mga tagasuporta ng mga ito na gumamit ng environment-friendly na propaganda materials.

Sa isang statement, sinabi ni EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero na hayagang paglapastangan sa election rules ang paglalagay ng campaign materials sa mga ipinagbabawal na lugar.

Iginiit ni Lucero na hindi rin ito maganda para sa natatamasang demokrasya at maging sa kalikasan.

“Also, illegal posters, which are mostly plastic-based, contribute to campaign garbage that can pollute the environment long after the election is over,” saad ni Lucero.

Nitong nakaraang linggo, may natanggap silang  mga sumbong mula sa kanilang mga Basura Patroller hinggil sa election posters na nakalagay sa mga punong kahoy, poste, traffic signage, at maging sa mga tulay.

Sa ilalim ng umiiral na Comelec Resolution 10488, ipinagbabawal ang paglalagay ng campaign materials sa mga public place.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.