ILLEGAL FOREIGN RECRUITERS, TUGISIN, PAPANAGUTIN

Rep Raymond Democrito Mendoza

PINAKIKILOS ni TUCP Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Trade Union Congress Party (TUCP) na habulin at papanagutin ang mga illegal foreign recruiters sa bansa.

Ito ay kasunod ng paglobo ng bilang ng mga illegal foreign worker sa bansa kung saan 106 na ile­gal na manggagawang dayuhan ang nadakip noong isang linggo dahil sa kawalan ng mga dokumento para makapagtrabaho.

Giit ni Mendoza, hindi sapat na dakpin at ikulong ang mga nahuling illegal foreign workers kundi dapat ay tugisin at papanagutin din ang mga illegal foreign recruiters na nagdala sa mga ito sa bansa gayundin ang mga establisimiyento na tumanggap sa mga da­yuhang manggagawa kahit na kulang sa mga papeles ang mga ito.

Hiniling ng mambabatas na tulad sa undocumented OFWs ay itrato ng makatao ang mga nahuhuling dayuhang manggagawa dahil biktima rin ang mga ito.

Tulad sa mga undocumented OFW ay tiyak na nakaranas din ang mga ito ng cheap at exploitable working conditions.

Hiniling din ni Mendoza na magkaroon ng malalimang imbestigasyon sa pagdami ng illegal foreign workers sa bansa na kanyang ihahain ngayong 18th Congress.   CONDE BATAC

Comments are closed.