ILLEGAL LOGS NASABAT SA AGUSAN DEL SUR

ILLEGAL LOGS

NASABAT ng mi­yembro ng Community Environment and Natural Resources Offices (CENROs) sa Bunawan, Agusan del Sur at Bislig City, sa Surigao del Sur, kasama ang mga tauhan ng 1303rd Maneuver Company of the Philippine National Police (PNP) at ng 75th Infantry Battalion of the Philippine Army ang i­lang illegally-cut logs sa  isang isinagawang  operasyon kamakailan sa Sitio Tanke, Barangay Tudela, Trento, Agusan del Sur.

Nasa kabuuan na 151 piraso o 25.69 cubic meters ng logs at lumber ang nakumpiska noong raid, ani Herzon Gallego, hepe ng information office ng Department of Environment and Natural Resources sa Caraga region (DENR-13) sa isang pahayag kamakailan.

Pahayag ni Gallego na nag-order na ang DENR Agusan del Sur provincial officer Jose Concha kay CENRO Jerome Albia ng Bunawan at CENRO Victor Sabornido ng Bislig City para malaman kung sino ang mga tao na kasama sa ilegal na pagpuputol ng mga kahoy.

Ang order ay kalinya ng huling direktiba ng DENR-13 regional exe­cutive director Felix Ali­cer na higpitan ang monitoring at foot patrol ng teams sa lugar para mailigaw ang anumang balak na nakawin ang lumber at mga smuggler na ibiyahe ang mga ilegal na pinutol na kahoy.

Ang order ni Alicer ay base sa huling pagkumpiska ng  illegally-cut lumber, furniture at endangered species ng mga hayop ng PNP sa Caraga region noong magkaroon ng checkpoint operations.

Kamakailan din, ina­resto ng miyembro ng 2nd Company ng Surigao del Sur Provincial Mobile Force ang mga suspek na kasama sa shipment ng endangered animal species sa isang checkpoint sa Barangay Buenavista, Tandag City.

Umaga ng Oktubre  30, nasabat ng miyembro ng 1302nd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 13 of Police Regional Office sa Caraga region (PRO-13) ang kabuuang P3.154 milyong halaga ng  lumber at furniture sa isang checkpoint operation sa National Highway sa Barangay Albay, bayan ng Carrascal sa Surigao del Sur.

“Let us not relax our guards at the forest monitoring checkpoints and be alert for passing trucks carrying illegally-cut lumbers, including endangered birds and animal species being transported clandestinely through the highways,” sabi ni Alicer sa kanyang order.

Nais din ni Alicer ang river checkpoints ng DENR sa  Agusan River na maging alerto sa mga galaw ng nakalutang na kahoy ng poachers at illegal loggers.

“This is a sacrifice we have to bear as public servants who are entrusted with the task to protect and preserve the en-vironment,” dagdag pa ni Alicer.                   PNA

Comments are closed.