PATULOY pa rin sa pamamayagpag ang operasyon ng mga pekeng tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Metro Manila at karatig-lalawigan kahit na nagpaabot ng reklamo ang WQSY Marketing sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, partikular na sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Energy (DOE).
Sa liham ng WQSY Marketing kina Usec. Atty. Ruth B. Castelo ng Consumer Protection Group at Director Ronel O. Abrenica ng Fair Trade and Enforcement Bureau, sinabing lubos na naapektuhan ang mga lehitimong manufacturer ng LPG tank dahil sa illegal LPG tank manufacturer sa bansa.
Nabatid na naunang inireklamo ang umano’y naglabasang pekeng LPG tank na Speed Gaz at Bess Gaz na may timbang na 2.7 Kg at 11 Kg subalit walang tatak na PS Mark, ICC at ilang mandatory markings na ibinibigay ng DTI –BPS.
Sa nakalap na impormasyon ng nabanggit na trader, isang 40th container van na naglalaman ng pira-pirasong tangke ng LPG mula sa China ang sinasabing naipuslit ito sa bansa sa hindi nabatid na dahilan.
Sinasabing inaasembol ang mga kalawanging LPG tank sa pamamagitan ng welding equipment bago pinturahan kung saan pal-alabasing dumaan sa pagsusuri ng Bureau of Phil. Standard ng DTI at DOE.
Walang kaalam-alam ang mamimili na may nakaambang panganib sa kanilang buhay sakaling sumabog ng pekeng LPG tank dahil ito hindi dumaan sa electrochemical, electro magnetic, advanced materials technology at temperature at humidity ng isang tunay na LPG tank.
“With due respect, it is very necessary that these finding be acted upon for the safety of the consumers especially those are the CD market since these are the consumers that used this type of cylinders,” nakasaad pa sa liham ng WQSY Marketing.
Binigyan din ng kopya ng liham ang Office of the Executive Secretary, Malacanang, at ang Department of Energy.
Nanawagan ang mga lehitimong LPG tank manufacturer sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na gumawa ng aksiyon laban sa patuloy na pamamayagpag ng illegal LPG tank manufacturer bago ma-ganap ang trahedya.
Comments are closed.