ILLEGAL MINING WAWAKASAN

DENR-MINING

SA HARAP ng tuloy-tuloy na panawagan para sa mas responsableng pagmimina sa bansa, tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na isa sa mga pangunahing prayoridad nito ang paghinto sa mga ilegal na operasyon ng mining sa bansa na nakasisira sa kalikasan at komunidad

“There is no room for illegal mining in the Philippines,” wika ni Atty. Wilfredo G. Moncano, director ng DENR Mines and Geosciences Bureau (MGB), sa isang pana­yam.

Ayon kay Moncano, ito ay alinsunod sa isang matagal nang kampanya ng MGB upang paigtingin ang maayos na rehabilitasyon ng mining sites at pangangalaga sa kalikasan ng Philippine mining industry. Aniya, nagpatupad na ang MGB ng ilang bagong polisiya para rito, katuwang ang kapulisan at iba pang law enforcement agencies.

Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, inilunsad ng MGB ang National Task Force Mining Challenge (NTFMC) noong January 16, 2018 upang itigil ang ilegal na pagmimina sa bansa.

“Through NTFMC, we aggressively apprehend illegal mining operators, as well as seize, confiscate, and dismantle their equipment, including blasting tunnel entrances or portals to the mining sites,” ani Moncano.

Ngayon, aniya, ang NTFMC ay nagsisilbi na bilang Environmental Enforcement Task Force. Bukod sa ilegal na pagmi­mina, binabantayan na rin nito ang paglabag sa mga batas na may kaugnayan sa pagtotroso, agrikultura, wildlife protection, at iba pa.

“We are now pushing for the task force to be made into a separate bureau. In this way, it will have more resources, more manpower, and more leverage to work with other law enforcement bodies. The environmental laws are there, but we need to be as strict as possible with the enforcement and that means a lot of collaboration from the bottom going up,” sabi ni Moncano.

Bukod sa pagpapalakas sa pagpapatupad ng batas, layunin din ng MGB ang ibaba ang bilang ng mga ilegal na mining operators sa pamamagitan ng mga Minahang Bayan.

Sa ilalim ng People’s Small-Scale Mining Act, ang Minahang Bayan ay kooperatiba ng small-scale mines na nakikipagtulu­ngan para sa mas mainam na operasyon, katuwang ang pamahalaan.

“We are now seeking to formalize the informal,” ani Engr. Teodorico Sandoval, officer-in-charge ng MGB Mining Technology Division. “We’re pushing for them to join the Minahang Bayan.”

“The process is also faster for them,” dagdag ni Sandoval. “This is to make sure that this is the best opportunity for them to become legitimate.” PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.