ILLEGAL NA PAGAWAAN NG PAPUTOK SINALAKAY

BULACAN- HULI sa akto habang gumagawa ng malalakas na uri ng paputok at pailaw ang isang lalaki sa Sitio Bihunan Brgy, Biñang 1st sa bayan ng Bocaue sa lalawigang ito, Biyernes ng hapon.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP Provincial Director Col. Relly Arnedo, kinilala ang suspek na si Renato Siongco Jr. alyas Reden, 45 anyos at isang pintor.

Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis, wala umanong maipakitang permit si alyas Reden.

Nakumpiska mula sa bahay nito ang 145 cubes ng pla-pla; 37 piraso ng kabasi; 27 kwiton; 19 piraso ng dugong; 2 rolyo ng 1k rounds sawa; 200 big kwitis; 1 orocan assorted paraphernalia; 40 pcs cubes of pla-pla (loaded); 29 pcs coned whistle; 124 pcs mini kwiton; 10 bundle kwitis; 102 pcs no stick kwitis at 1 sack assorted finished/unfinished firecrackers na tinatayang aabot sa halagang P50,000.

Samantala paglabag sa RA 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and Other Pyrotechnic Devices) ang isasampa laban sa suspek. THONY ARCENAL