ILLEGAL NA PAGAWAAN NG PAPUTOK SINALAKAY

BULACAN- HULI sa akto ang isang babae habang gumagawa ng malalakas na uri ng paputok sa Sitio Sulucan Perez Brgy, Pulong Buhangin sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigang ito.

Nakumpiska kay Imelda Gumasing, 56 anyos ang malalakas na uri nang paputok na Pla-pla, Bawang at 5-Star.

Ayon kay OIC PNP Provincial Director Lt.Col.Jacquiline Puapo, alas-4 :00 ng hapon nito lamang Disyembre 17 nang masukol ang suspek sa nabangit na Sitio sa sumbong ng isang concern citizen.

Nakumpiska mula sa bahay ng suspek ang isang sako o 5000 piraso ng five star, 1,400 piraso ng Pla-Pla at 100 piraso ng Bawang, na nagkakahalaga ng P6,000.00.

Habang arestado rin ng mga pulis ang dalawa katao na gumagawa rin ng malalakas na uri ng paputok sa Brgy, San Juan sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Roy Santos, 44-anyos at Manuel Armenta, 32-anyos, kapwa residente sa nabangit na barangay.

Ganap na alas-3:20 ng hapon nang madakip ang mga suspek at nakumpiska sa kanila ang 20 piraso ng 1,000 rounds ng Judas belt o (sawa) 10 kls of firecracker fuse na nagkakahalaga ng P7,600 piso.
Paglabag sa RA 7183 (Illegal Manufacture of Firecracker) ang isasampa laban sa kanila. THONY ARCENAL