IPADE-DEPORT ang Chinese POGO workers na mapatutunayang illegal na nakapasok ng bansa at nakinabang sa pastillas scheme.
Ito ang tiniyak ng Palasyo matapos pakilusin ang Bureau of Immigration (BI) na simulan na ang pagtukoy sa mga nabanggit na dayuhan para maisalang agad sa deportation process.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bahagi ng mandato ng BI ang pagpapatapon palabas ng bansa ang mga dayuhang hindi dumaan sa tamang proseso para makapasok ng Filipinas.
Sinabi pa ni Panelo, dapat lamang na alam ng lahat ng kawani ng BI ang lahat ng kanilang mga trabaho lalo na’t kasalukuyang nahaharap sa kontrobersiya ang ahensiya. DWIZ 882
Comments are closed.