ILLEGAL TRAFFICKING, ESTAFA VS RECRUITMENT AGENCY

GIRL JAILED

INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga opisyal at empleyado ng isang recruitment agency  dahil sa patong-patong na reklamo ng kanilang mga aplikante tulad ng estafa at illegal trafficking.

 Nag-ugat ang kaso dahil sa reklamo ng kamag-anak ng isa sa biktima kung saan ang mga aplikante umano ay kinukulong sa tanggapan ng Maanyag International Manpower Corp sa Paranaque City.

Ang kanilang pasaporte at iba pang mga travel documents ay hawak ng nasabing kumpanya sa pangamba na magsusumbong sa pulisya kung aalis sila.

Bunsod nito, nagsagawa ng operasyon ang mga operatiba ng NBI-Cybercrime Division (NBI-CCD)  na nagresulta sa pagkaka-rescue ng 15 biktima.

Kinumpirma naman ng mga biktima ang nabanggit na mga reklamo at sinabing  kinakailangan umano nilang magtrabaho kabilang ang paglilinis at paglalaba ng mga damit ng mga kanilang office staff at pamilya bilang kabayaran sa kanilang mga dokumento, processing fee at airplane ticket pabalik sa kanilang probinsiya.

Kasong paglabag sa Section 5 of R.A. No. 10022 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, as amended); Section 4 of R.A. No. 10364 (Anti-Trafficking in Persons Act of 2003); Estafa sa ilalim ng Article 315  ng Revised Penal Code; at Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, all in relation to Section 6 of R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012)  ang kinakaharap ng mga inarestong opisyal at empleyado.

PAUL ROLDAN