––– ILLEGAL VENDORS SA ––– BACLARAN WINALIS NG MMDA

illegal vendors

PARAÑAQUE CITY – NAGSAGAWA ng clearing operation kahapon ng umaga ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kahabaan ng Taft Ave­nue Extension sa Bac­laran upang linisin ang illegal vendors.

Ang mga illegal vendors naman ay muling bumalik sa kani-kanilang puwesto ilang oras lamang matapos ang clearing ope­ration na isinagawa ng mga tauhan ng MMDA.

Ayon sa MMDA, ang clearing operation ay isinagawa sa kahabaan ng Taft Avenue laban sa mga nakahambalang na mga tindahan ng illegal vendors na dahilan ng paglala ng traffic sa naturang lugar.

Dagdag pa ng MMDA na sa area ng Parañaque sa Baclaran ay sobra ang kapal ng mga vendor lalo na sa kanto ng Quirino Ave­nue kung saan dalawang lane ng kalsada ang pinuwestuhan nila.

Sa pahayag pa rin ng MMDA na mula sa kanto ng EDSA papasok ng Taft Avenue Extension ay sumasa-lubong ang mga pedicab at tricycle na nagkaka-counter flow, nagte-terminal at humaharang sa daan.     MARIVIC FERNANDEZ