ILLICIT CIGARETTES NA MAY P150-M TAX LIABILITY NASABAT

NAHARANG ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (BOC-MICP) ang tatlong containers na naglalaman ng tinatayang P791-M halaga ng illicit cigarettes at vape products na may iba’t ibang brands mula sa Singapore. Ito’y makaraang makatanggap ng derogatory information sina Customs Intelligence and Investigation Service of MICP (CIIS-MICP) Deputy Commissioner Juvymax Uy, District Collector Carmelita M. Talusan, at Commissioner Bienvenido Y. Rubio. Kuha ni RUDY ESPERAS

KINUMPISKA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang  227,351 pakete ng illicit cigarettes sa Brooke’s Point, Palawan.

Ayon sa BIR, ang illicit cigarettes, na may P150.6 million na tax liability, ay nakumpiska mula sa piting makeshift warehouses sa isang pagsalakay noong May 1, 2024.

Ang pagsalakay ay isang joint effort sa Criminal Investigation and Detection Group, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, Bureau of Customs, at Department of Health.

Ang pagkakahuli ay bahagi ng whole-of-government coordination efforts sa giyera laban sa illicit trade na ipinag-utos ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa BIR, walo katao ang nag-iingat ng ilegal na kontrabando.

Kakasuhan sila ng paglabag sa ilalim ng National Internal Revenue Code.

“The BIR is continuous in its war against illicit vape and cigarette trade, all over the Philippines. Whether the illicit trade is in Palawan or in Metro Manila, we will pursue them,” sabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr.

“Our regional and district offices have their orders to deploy all available manpower in curbing illicit vape and cigarette trade,” dagdag pa niya.

(PNA)