ILOCOS COPS PINURI SA PAG-IINGAT SA KALIKASAN

PINURI ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Guillermo Eleazar ang police personnel sa Ilocos Region dahil sa kanilang pagkalinga sa kapaligiran at kalikasan sa pamamagitan ng paglilinis.

Una nang nagsagawa ng cleanup drive sa coastal area sa Barangay Sta. Rita Central ang police trainees mula sa Public Safety Field Training Program Class 2020-03, na naka-assign sa Agoo Municipal Police Station sa La Union.

Layunin ng mga police trainees na isulong ang kalinisan, proteksiyonan ang paligid at kalikasan.

Maging ang elemento ng Badoc Municipal Police Station at ng 2nd Provincial Mobile Force Company, Ilocos Norte Provincial Police Office, kasama ang advocacy groups, ay nagsagawa rin ng cleanup drive sa border control ng Barangay Sta. Cruz.

Ginawa ito bilang suporta sa frontline workers sa gitna ng pag-obserba sa 26th Police Community Relations.

“Nakatutuwa na pinapalawig pa ng ating kapulisan ang kalinisan, hindi lamang sa kanilang mga presinto, kung hindi pati na din sa ibang bahagi ng komunidad,” ayon kay Eleazar.

“Tunay na mas mainam tumira sa lugar na malinis at maayos sa tulong ng bawat isa,” dagdag pa ni Eleazar. EUNICE CELARIO

7 thoughts on “ILOCOS COPS PINURI SA PAG-IINGAT SA KALIKASAN”

  1. 163296 249942fantastic work Outstanding weblog here! Also your internet web site a lot up quickly! What internet host are you the usage of? Can I get your associate link on your host? I want my website loaded up as quickly as yours lol 433238

Comments are closed.