ILOCOS MANGO GROWERS MAY AYUDA SA GOBYERNO

ILOCOS MANGO GROWERS

HALOS 600 mango growers sa probinsiya ng Ilocos ang nakatanggap kamakailan ng soil conditioners, organic fertilizers, fruit fly attract-ants at high-yielding varieties of grafted mangoes na ga­ling sa provincial government ng Ilocos Norte.

Inihayag ni Ricardo Tolentino, presidente ng Mango Growers Association sa Ilocos Norte, na karamihan sa mango growers ang na­lugi nitong nagdaang anihan ng mangga dahil sa El Niño o ang matagal na tagtuyot na nagdulot ng mababang presyo dahil sa oversupply mula sa ibang mango-producing provinces.

Para matulungan ang mga magsasaka na makabawi sa mga hindi inaasahang pagkakataon, patuloy na namahagi ang provincial government sa pa-mamagitan ng tobacco excise tax ng dagdag na farm inputs.

“We are thankful for the continuing support of the government. That is why we struggle to improve our harvest and inspire others to succeed,” sabi ni Tolentino.

Sa nagdaang pitong taon, ang industriya ng mangga sa probinsiya ay matagal nang nakararanas ng mababang ani dahil sa hindi magandang takbo ng panahon.

Pero dahil sa itinutu­ring na high-value commercial crop ng pro­binsiya, sinabi ni Edwin Cariño, hepe ng Sustainable and Development Office, na hindi nila papayagan na “mamatay” ang industriya ng mangga ng ganon na lamang.

“As part of empowering farmers, government technicians have been teaching them how to rehabilitate their fruit-bearing trees and to apply organic conditioners to give time for the soil to ‘heal,’” ani Carino.

Sa ngayon, ang Ilocos region – na sumasakop sa mga probinsiya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at Pangasinan – ang nananatiling isa sa major exporter ng kalidad na mangga ng bansa sa mga bansang Hong Kong, Japan, at iba pang kalapit na Southeast Asian nations.    PNA

Comments are closed.