KAUGNAY sa bisyon nito na pabilisin ang digital transformation ng Filipinas, sinelyuhan ng Globe ang isa pang key partnership sa isa sa pinakamalaking lalawigan sa bansa, ang Ilocos Norte.
Tinaguriang “Northern Gateway of the Philippines”, ang Ilocos Norte ay isang masiglang lalawigan na may mahigit sa kalahating milyong katao at kilala sa makasaysayang mga istruktura at naiibang local cuisine nito.
Sa pakikipag-partner sa lokal na pamahalaan ng lalawigan, target ng Globe na mapagkalooban ang mas marami pang residente ng Ilocos Nore ng libre at mabilis na internet sa pamamagitan ng GoWiFi services nito.
Ang milestone partnership ay sinementuhan sa pamamagitan ng paglagda sa isang memorandum of agreement noong nakaraang Pebrero 11 sa Ilocos Norte Provincial Capitol. Ang seremonya ay pinangunahan nina Globe President and CEO Ernest Cu at Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc at sinaksihan ng iba pang mga kinatawan mula sa Globe at Ilocos Norte local government.
“Staying true to our mission of leading the country’s digital transformation, this partnership with Ilocos Norte is of utmost importance for us in reaching and connecting more areas outside urban Luzon to reliable internet connectivity,” wika ni Cu.
“We are hoping that this connectivity can stimulate the development of the province as one of the economic powerhouses in the entire Northern Luzon—from powering small and medium local businesses with more efficient digital solutions to offering 24/7 quality medical services by telehealth provider KonsultaMD to more citizens.”
Ang GoWiFi services ay available na ngayon sa key areas sa Ilocos Norte, tulad ng Capitol Building, Laoag City Hall, Batac City Hall, San Nicolas IT Park, at Aurora Park sa Laoag.
Kaugnay sa partnership na ito, ang Globe ay magdaraos din ng sessions sa Digital Thumbprint Program (DTP) nito na naglalayong mabigyan ng kaalaman ang local government representatives at ang community members nito sa responsible online behavior. Kabilang dito ang pagkakaroon ng kaalaman sa online safety, cyberbullying, online etiquette, at pagtukoy sa fake news. Ang DTP trainings ay idaraos sa first quarter ng taon.
Target ng Globe na mapagkalooban ang lahat ng munisipalidad sa Ilocos Norte ng libreng internet sa susunod na mga taon.
Dahil sa partnership, ang Ilocos Norte ay bahagi na ngayon ng 2,700 GoWiFi hotspots sa buong bansa.
“The free internet service provider continues its expansion plans nationwide, particularly in high-traffic areas like schools, malls, and hospitals to make high-quality internet connection accessible and affordable to more Filipinos,” ayon pa sa Globe.
Comments are closed.