ISINAILALIM sa state of calamity kahapon ang buong lalawigan ng Ilocos Norte dahil sa pinsala at walang humpay na pag-ulan dulot ng habagat.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Management and Resiliency Council, umabot na sa mahigit P111 milyon ang hal-aga ng pinsalang dala ng patuloy na pag-ulan sa lalawigan.
Sinasabi na mahigit P65 milyon ang naitalang pinsala sa imprastruktura habang nasa P42 milyon naman ang pinsala sa agrikul-tura makaraang lumubog sa baha ang ekta-ektaryang palayan nang umapaw ang mga ilog sa lalawigan.
Umaabot sa 50 pamilya ang lumikas nitong Biyernes ng gabi dahil sa pagbaha ngunit karamihan ay nakabalik na rin sa kanilang mga bahay.
May mga insidente rin ng pagguho ng lupa sa mga bayan ng Sarrat, Bangui, Burgos, at Nueva Era.
Gayundin, nagsasagawa na ng clearing operation ang mga awtoridad sa nasabing mga lugar.
Comments are closed.