ILOCOS NORTE NIYANIG NG M5.7 NA LINDOL

ILOCOS NORTE – NAGULANTANG ang mga residente ng lalawigang ito matapos na maramdaman ang malakas na pagyanig ng magnitude 5.7 na lindol kahapon ng madaling araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang sentro ng lindol sa kanluran ng Bangui na naganap 2:54 ng madaling araw.

Una itong naitala sa magnitude 5.9 ngunit kalaunan ay ibinaba sa 5.7 tectonic in origin ng lindol at may lalim na 23 kilometro.

Naramdaman ang Intensity V ng lindol sa City of Laoag, Pagudpud, Dumalneg, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Adams, Sarrat at San Nicolas sa Ilocos Norte.

Intensity IV sa City of Batac, Currimao at Pinili sa Ilocos Norte; Sinait, City of Vigan, San Vicente, Santa Catalina, Bantay, Santa Lucia, Santa, Narvacan, San Esteban, Cabugao,San Juan, Caoayan, Magsingal, San Ildefonso, Santa Cruz, Santo Domingo, Santiago, City of Candon, at Santa Maria sa Ilocos Sur; Lacub, Tayum, San Juan, La Paz, San Isidro, Pidigan, Bangued, Tubo, at Bucay sa Abra; Baguio City; Atok, at Buguias sa Benguet; Besao at Bontoc sa Mountain Pro­vince.

Habang Intensity III naman ang naramdaman sa La Trinidad sa Benguet.

Inaasahan ang mga pinsala at aftershock sa nangyaring lindol.

EVELYN GARCIA