MAKARAANG hagupitin ng Bagyong Ursula, niyanig naman ng 4.8 magnitude quake ang Iloilo at Capiz.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), may lalim na 14 kilometers ang naramdaman sa San Enrique, Iloilo at Dumarao, Capiz.
Pahayag ni dating San Enrique Mayor Joe Fernandez, mabilis lamang ang pag-uga ngunit malakas ang kanilang naramdaman na lindol.
Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang assessment ng awtoridad sa nasabing bayan sa pinsala na maaring iniwan ng lindol.
Samantala, sumisigaw naman habang papalabas ng kanilang bahay ang mga residente ng Brgy. Traciano, Dumarao, Capiz dahil sa pagyanig.
Naitala naman ang Intensity IV – San Enrique, Passi City at Dingle, Iloilo; Tapaz, Capiz; Bago City, Negros Occidental; Intensity III – Iloilo City; La Carlota City at Bacolod City, Negros Occidental; Bugasong at Barbaza, Antique; Nueva Valencia, Guimaras; Intensity II – President Roxas, Capiz; Masbate City; Instrumental Intensities; Intensity II – Masbate City; at Intensity I – San Jose, Antique. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM