ILOILO CITY BANTAY-SARADO KONTRA HOT MEAT

HOT MEAT

SIMULA Marso ngayong taon, magsasagawa ng inspeksiyon ang Local Economic Enterprise Office (LEEO) ng siyudad ng Iloilo ng mga tindahan ng lechon, wet markets at mga establisimiyento para siguruhin ang pagsunod sa standards ng meat safety at kalinisan at maiwasan ang pagbebenta ng hot meat.

“After conducting meat sanitation and safety seminars, it’s now time to do the inspection. Along with that is the imposition of fines if they failed to comply with the standards in terms of display, storage and slaughter,” sabi ni LEE Officer Jose Ariel Castañeda sa isang panayam.

Dagdag pa niya na nakipagkita siya sa mga nagtitinda ng lechon noong nakaraang linggo, una sa mga sunod-sunod na miting dahil “karamihan sa kanila, hindi man lahat” ay hindi dinadala ang kanilang baboy sa katayan dahil mayroon silang sariling lugar ng pagkakatayan.

Sinabi ni Castañeda na magpapakalat sila ng meat inspectors para tingnan ang kondisyon ng mga manukan at babuyan bago ito dalhin sa matadero. Kapag napatunayan na sumusunod, iisyuhan sila ng meat inspection certificates.

Ilan sa mga kondisyon na kailangang itsek ay ang kalinisan ng slaughtering at display area at kung ang karne ay nakalagay sa tamang storage tem-perature. Dapat na malinis din ang pinaglulutuan at libre sa mga posibleng contaminant.

Ang inspeksiyon ay isa ring paraan para malaman kung ang bilang ng baboy na kanilang idinideklara araw-araw ay tama para hindi manakawan ang siyudad ng nararapat na bayad, dagdag pa ni Castañeda.

“We can confiscate the hogs and recommend for the closure or cancellation of their business permit. On top of that, we can also fine them based on the Meat Safety Act,” sabi niya.

Sinabi niya na may mga inspeksiyon na rin noong nagdaang buwan pero hindi kasing higpit na gagawin simula sa susunod na buwan.

Sinabi pa ni Castañeda na ang city slaughterhouse ay wala pang akreditasyon ng National Meat Inspection Service, kaya binabawi nila ito sa pag-sasagawa ng sarili nilang inspeksiyon.

Bukod pa sa mga tindahan ng lechon at wet markets, magkakaroon din ng inspeksiyon ang mga supermarket na nagtitinda ng meat products.

“We were instructed by the Department of Agriculture to include malls,” sabi pa ni Castañeda. Dagdag pa nito, na ang meat products na nanggagal-ing mula sa labas ng siyudad at ibinebenta sa commercial areas ay nasa kabuuan na dalawang tonelada.

Umaasa si Castañeda na ang opisina ng City Mayor Jose Espinosa III ay magkakaroon ng Executive Order (EO) na lilikha ng Task Force Hot Meat para masimulan na nila ang inspeksiyon.  PNA

Comments are closed.