ILOILO CITY PINALAWIG ANG BAN NG PORK PRODUCTS HANGGANG HUNYO

PORK BAN-2

INANUNSIYO ni Ilo­ilo City Mayor Jerry P. Treñas kamakailan ang pagpapalawig pa ng ban sa baboy at mga produkto nito na nagmumula  o proseso sa Luzon at iba pang bansa na positibo sa African swine fever (ASF) hanggang Hunyo 2020.

Sa isang panayam, sinabi ni Treñas na ang ban ay nananatili matapos na ipaliwanag sa kanya ni Iloilo City veterinarian Dr. Tomas Forteza noong Enero 8 at may mga kaso pa ng ASF sa ibang bahagi ng Luzon.

“There are still cases of African swine fever in the country, particularly in Luzon, thus a possibility of it reaching Region 6 (Western Visayas) and cause high mortality and affect the security of the city,” pahayag niya sa pagpirma noong Enero 7 ng Executive Order No. 3 para sa pagpapalawig pa ng ban hanggang Hunyo nitong taon.

Nauna nang pinirmahan ni Treñas ang Executive Order No. 99, series of 2019 noong Oktubre 10, 2019, para sa total ban ng buhay na baboy, karne ng baboy at pork products, at by-products sa loob ng 90 araw.

Idinagdag na mahirap kung ang ASF ay makapapasok sa kanilang siyudad dahil ito ay “highly contagious”.

Aniya na ang importante ay maging libre ang siyudad sa ASF at ang piggery owners at growers ay hindi magiging apektado.

Sa kasalukuyan, ang ASF task force ng city government na itinayo noong nagdaang taon ay magpapatuloy, bagamat may ilang mga problema pagdating sa pondo.

Noong nagdaang taon, nakakuha sila ng pondo para sa suweldo mula sa quick response fund.

Pero, siniguro ng gobyernong lokal na sisikapin nila na magbigay ng pondo para sa task force.

Nagsisilbing main entry ang Iloilo City at exit ng inter-regional convergence sa Western Visayas sa pag-daan sa Ilo­ilo International Airport at Iloilo International Port sa Loboc, Lapuz.  PNA

Comments are closed.