INAPRUBAHAN ng Iloilo Sangguniang Panlalawigan kamakailan ang P100-million supplemental budget para makatulong sa mga maliliit na magsasaka na makahabol sa mababang bilihan ng palay.
Humiling si Governor Arthur Defensor Jr. ng supplemental budget para ialok ang pautang sa accredited cooperatives na siyang makikipag-ugnayan at bibili ng palay sa mga magsasaka sa probinsiya.
Ang supplemental budget ay kinuha sa unappropriated surplus para sa taong 2018.
“This is our help to the national government in assistance for small farmers with the impact of the Rice Tariffication Law,” sabi ni Defensor.
Dagdag pa nito, na ang loan program ay puwedeng makuha ng 12 farmer cooperatives na ka-partner ng provincial government. “These cooperatives have credits standing and track record,” sabi pa niya.
Siniguro rin niya na ang accredited farmer cooperatives ay may drying facilities na puwedeng makabigay ng tulong sa mga ani ng mga maliliit na magsasaka dahil kailangang ayon sa National Food Authority (NFA) na may minimum 14 percent moisture content ng palay.
Ang halaga ng iniaalok na pautang ng probinsiya ay ibabase sa absorptive capacity ng kooperatiba. Ang maximum credit amount ay P15 milyon.
Bilang pauna, iniisip ng provincial government na mag-alok ng zero-interest loan pero pahayag ni Defensor na ang programa program ay magkakaroon ng two-percent interest, base sa regulasyon ng gobyerno.
“The cooperative is a private entity that is why we are being careful. We could help more if there is no interest but I think we have no choice,” aniya.
Ayon sa Provincial Agriculture Office na may 114,000 na magsasaka sa probinsiya at 7,953 dito ay mga maliliit na magsasaka. PNA
Comments are closed.