ILOILO ISASAILALIM SA ECQ

DAHIL sa biglang taas ng kaso ng COVID-19 sa Kabisayaan, isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Iloilo City at Iloilo Province simula bukas, Hulyo 16.

Ito ay base sa kautusan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Francisco Cruz kina Iloilo Governor Arthur Defensor Jr., at Iloilo City Mayor Jerry Treñas.

Magiging epektibo ang nasabing kautusan hanggang Hulyo 31.

Sinabi ni Governor Defensor, kinumpirma nito ang rekomendasyon pero plano iapela sa Coronavirus Disease 2019 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases at sa DILG ang proposed quarantine status.

Napag-alaman na kasalukuyang nasa modified enhanced community quarantine ang Iloilo City at Iloilo Province.

Samantala, ang iba pang mga lugar sa Western Visayas na maaaring manatili sa GCQ status ay ang Guimaras at Negros Occidental.

7 thoughts on “ILOILO ISASAILALIM SA ECQ”

  1. 177335 390325Id must speak to you here. Which is not some thing Which i do! I like reading an write-up that can make people believe. Also, thank you for permitting me to comment! 66724

  2. 542356 861747Wow, superb blog layout! How long have you been blogging for? you make blogging appear simple. The overall appear of your website is magnificent, as well as the content! xrumer 315760

Comments are closed.