DAHIL sa tindi ng kasong naitala, isinailalim na sa dengue outbreak ang lalawigan ng Iloilo.
Ito ang inamin ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas kasunod ng inilabas na Executive Order 023 bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue hemorrhagic fever sa siyudad kung saan umaabot na sa 416.7% ang kaso mula Enero 2019.
Ayon kay Treñas, nakakaalarma ang kaso ng dengue kung saan kada araw ay hindi bababa sa tatlo ang nabibiktima.
Aprubado naman ayon sa alkalde ang pondo para sa pagbili ng kemikal kontra dengue at iba pang mga equipment.
Napag-alaman na walo na ang patay at mahigit 700 na ang kaso ng dengue sa Iloilo City. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.