ILOILO LGUs IPINAKITA ANG PRODUKTONG GAWA SA RECYCLABLE MATERIALS

recyclable materials

PARA ipaalam ang kanilang suporta sa solid waste management program ng probinsiya, 12 Iloilo governments units (LGUs) ang nagpakita kamakailan ng produkto at kanilang likha mula sa recyclable materials.

Nag-exhibit ang isang dosenang LGUs ng kanilang  recycled products at ipinakita ang kanilang magandang gawain tungkol sa mga basura sa Iloilo provincial Capitol bilang simula ng Solid Waste Management Awareness week sa probinsiya ayon kay Mitzi Peñaflorida, senior environment manage-ment specialist of Iloilo Provincial Environment and Natural Resources Office, sa isang panayam.

“They have shown here the products that were made from the recyclable materials that are readily available in their respective communities. This is one of our efforts to show the province that the trash can still be made useful and even saleable,” sabi ni Peñaflorida.

Ilan sa mga item na display ay bags, slippers, decorative pots, pillows, stuffed toys, at silya na gawa sa plastic at ibang residual wastes.

Kasama sa exhibit ay decorated bottles, paper flower vases, key chains, at manika na dinamitan ng left-over fabrics.

“These products are eco-friendly choices of the Ilonggos who wish to give their relatives and friends something special this holiday season,” sabi niya.

Dahil ang ibang items ay pang-benta, tinitingnan ng PENRO-Iloilo na kunin ang Local Economic Development and Investment Promotion (LEDIP) Center para maglagay ng label, magpakete sa mga produkto at ihanda para sa merkado.

“We will help them in packaging the products. We will tap the LEDIP to help especially on the costing to put value in the effort and materials used by our participants” sabi niya.

Sumali na rin ang mga bayan ng Miagao, Batad, Ajuy, San Dionisio, New Lucena, Santa Barbara, Dumangas, Tigbauan, Leon, Badiangan, Cabatuan, at siyudad ng  Passi sa product display.

Pahayag ni Peñaflorida na bawat isa sa 43 na local government units sa probinsiya ay may kanilang recyclable products na napipisil para punuin ang anim na palapag ng provincial Capitol sa Solid Waste Management Week celebration sa susunod na taon.   PNA

Comments are closed.