ILONGGO MSMEs NAKINABANG SA LABELING, PAGPAPAKETE MULA SA DOST

Ilonggo MSMEs

LABING APAT na micro, small at medium enterprises (MSMEs) mula sa Iloilo ang nakatanggap ng packaging and labeling assistance mula sa Department of Science and Technology (DOST).

Ibinigay sa mga benipisyaryo ang product labels ng Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña sa isang maikling seremonya sa Ilo­ilo City Hall kamakailan.

Sa kanyang mensahe bago nagkaroon ng turnover, sinabi ni dela Peña na isa sa major strategies na ipinakilala nila bilang tugon kay President Rodrigo Duterte sa kanyang kagustuhan na mabawasan ang puwang o hindi pagkakapantay-pantay sa mga rehiyon at probinsiya para madagdagan ang mga gawaing pangangalakal at maging mapagkompetensiya ang MSMEs.

“We do not really think much about the big companies because they have their resources, their own way to improve their productivity. But the smaller ones need assistance,” sabi niya.

Sa Iloilo, ang mga nangungunang MSMEs ay nasa food processing, metal works, equipment fabrication, at furniture-making.

“Packaging is not only to make it appear beautiful. It has a function. It has to hold the product as much as possible to protect the product and to prolong shelf life,” dagdag ni  dela Peña.

Sinabi ni DOST 6 (Western Visayas) Director Rowen Gelonga na ang probisyon ng tulong ay isang patuloy na programa ng kanilang opisina sa pakikipagtulungan sa siyudad at probinsiya ng Iloilo.

“We design their product labels. We give them technical assistance on appropriate packaging materials based on their products,” sabi ni Gelonga, dagdag na ang magandang product packaging, madali nilang mapapasok ang mainstream market.

“Aside from product packaging, we will also provide training on food safety and product development,” dagdag niya.

Isa si Antonette Zabala, may-ari ng Antonia’s Yema business, sa mga negosyante na nakatanggap ng product label mula sa DOST.

Inalala ni Zabala bago sila nakinabang ng tulong, inilagay lamang niya ang kanyang yema products sa loob ng nakasaradong plastic. Nakakapagprodyus sila ng 50 hanggang 100 kahon bawat linggo, na nakahanda na para sa pagbebenta sa kanilang village sa Hibao-an.

“With the new packaging, at least we can engage bigger communities. I am really intending to expand the market only in the region but hopefully nationwide, God willing,” sabi niya.

Sinabi rin niya na plano niyang magdagdag ng polvoron at iba pang mga matatamis sa linya ng kanyang produkto.    PNA