ILOVEYOU Virus

Ang ILOVEYOU, tinatawag din kung minsang Love Bug o Loveletter, ay isang computer worm na sumira mahigit sampung milyong personal computers simula noong May 5, 2000. Nagsimula ito bilang email na ang subject line ay “ILOVEYOU” at ang attachment naman ay “LOVE-LETTER-FOR-YOU.TXT.vbs.” Ang vbs ay isang klase ng interpreted file. Noong panahong iyon, itinatago ng windows computer ang file extension damit ang default dahil iyon ang extension para sa ganoong klase ng file. Kaya ang user naman, iisiping isa lamang itong normal text file.

Kapag binuksan ang attachment, awtomatikong maa-activate ang Visual Basic script. Sa una, maaapektuhan ng worm ang local machine, kung saan magdodoble-doble ang files kasama na ang Office files at image files; gayunman, itatago nito ang MP3 files sa halip na burahin ito. Pagkatapos, kokopyahin ang lahat ng addresses sa Windows Address Book na ginagamit ng Microsof Outlook kaya kakalat pa ito sa ibang contacts ng user na nakapitan ng virus.
Si Onel de Guzman, 24-year-old na residente ng Maynila ang gumawa ng virus na ito. Wala pang batas noon tungkol sa paggawa ng malware kaya nakalusot si de Guzman, kaya mabilis na gumawa ang Kongreso ng Republic Act No. 8792, o E-Commerce Law, noong July 2000 upang hindi na ito masundan ng iba pa.

Dahil mahirap na estudyante lamang si De Guzman, ginawa niya ang virus para nakawin ang passwords ng ibang users upang maka-log in sa kanilang mga Internet accounts ng libre. Idinahilan ni De Guzman na ang internet access ay kasama sa karapatang pantao at kung tutuusin, walang pagnanakaw na naganap dahil iginiit lamang niya ang kanyang karapatan. Idinepensa niya ito sa kanyang undergraduate thesis sa AMA Computer College. Binigyang diin niyang napakadaling gawin ng nasabing virus, salamat sa Windows 95. Dapat at sa Maynila lamang niya ito gagamitin ngunit mabilis itong kumalat, at hindi inaasahan ni De Guzman na kakalat ito sa buong mundo at pati ang Pentagon ay maaapektuhan.

Mula sa Pandacan kung saan nakatira si De Guzman, nakaabot ang virus sa iba’t ibang panig ng mundo. Una sa Hong Kong, pagkatapos ay sa Europe, at finally sa United States. Tinatayang nakawasak ito ng mga computers at data na nagkakahalaga ng US$5.5–8.7 billion o higit pa sa buong mundo.

Para maalis ang virus, nagkagastos umano ng mahigit US$10–15 billion. Sa loob lamang ng 10 araw, nakagawa ang ILOVEYOU virus ng mahigit fifty million infections, o halos 10% ng Internet-connected computers sa buong mundo.

Dahil dito, napilitan ang Pentagon, CIA, British Parliament at iba pang malalaking kumpanya sa buong mundo na mag-shutdown ng kanilang email system upang protektahan ang kanilang mga sarili. Ito ang maituturing na pinakamapangwasak na virus sa buong mundo nang mga panahong iyon. NLVN