NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Agriculture (DA) ngayong Huwebes ang Rice-for-All program, isang bagong inisyatiba na naglalayong gawing abot-kaya ang bigas sa Filipino consumers.
Ang bagong programa ay kasunod ng P29 Rice Program, na nag-aalok ng mas murang bigas sa P29 kada kilo lamang sa vulnerable sectors.
“Rice under the Rice-for-All program will initially be sold at P45 a kilo. It will be adjusted depending on the movement of rice prices but it will definitely be lower than retail prices in general,” pahayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon sa DA, ang Rice-for-All program ay magbebenta sa publiko ng well-milled rice na nagmula sa rice importers at local traders na may limit na 25 kilos kada customer kada araw.
Sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang Rice-for-All program ay paunang iaalok sa apat na Kadiwa outlets — FTI sa Taguig City, Bureau of Plant Industry sa Manila, Potrero sa Malabon, at sa Caloocan.
Ayon kay De Mesa, ang bagong programa ay naglalayong tulungan ang mas maraming Filipino consumers na makayanan ang epekto ng mataas na presyo ng pagkain, na nakaiimpluwensiya nang malaki sa inflation at interest rates.
Sinabi rin ni Tiu Laurel na ang Rice-for-All program ay magiging isa pang hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng bisyon ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na matiyak ang availability ng abot-kayang pagkain.
“President Marcos wants to ensure that every Filipino has access to affordable food during these trying times,” anang DA chief.
“In line with this, we will continue to expand the Kadiwa network and make available more basic goods to the general public,” ani Tiu Laurel.