TARGET ng pamahalaan na ilunsad ang programang “Masagana 150” para mapataas ang ani ng bigas at mapababa ang presyo nito sa merkado.
Halaw ito sa Masagana 99, isang programa ni yumaong Presidente Ferdinand Marcos Sr. na naglalayong mapataas ang produksiyon ng bigas sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga magsasaka ng high-yielding rice varieties sa pamamagitan ng pautang.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Kristine Evangelista, ang Masagana 150 program ay gagamit ng bagong teknolohiya.
“It’s anchored in increasing the yield based on the tech we can avail of, and the tech we have but the idea is to reach that much as far as cavans is concerned…We’re looking at how and when this can be implemented,” sabi niya sa ANC’s Headstart.
“We plant in October, we harvest next year. To manage expectations, it’s not going to be harvested this year. If Masagana 150 will be implemented, we’re looking at it to bring down the price of rice and helping our farmers come up with better yield.”
Para sa sustainability ng programa, sinabi ni Evangelista na maaaring tulungan ng Agriculture Credit Policy Council ang mga kooperatiba sa pamamagitan ng pagkakaloob ng loans.
Nang tanungin hinggil sa kagyat na kaluwagan sa mga magsasaka, sinabi ng opisyal na, “fertilizers and G2G (government-to-government) are being explored right now.”
“We have a catchup plan that will be felt this year that is definitely going to happen,” aniya.