SARIWA pa sa kampeonato sa AQ Prime ASEAN Chess Championships kamakailan ay muling nanalasa si International Master Daniel Quizon matapos pagharian ang Kamatyas FIDE Rated Invitational Rapid Chess Tournament na tinampukang Pawn Promotion sa SM Sucat, Parañaque nitong Sabado.
Nakakolekta si Quizon ng 8.5 points sa nine outings para manguna sa 1-day event na inorganisa ni International Master Roderick Nava na pinakasikat na Pinoy chess blogger sa bansa sa partnership kay Mr.David Almirol, patron at utak ng Kamatyas Chess Club.
“We do this to promote chess at the grassroots level and discover new sports talents,” sabi ni IM Nava.
Naitala ni Quizon ang panalo kontra Allan Gabriel Hilario sa first round, Francis Talaboc sa second round, Richard Villaseran sa third round, Kevin Mirano sa fourth round, GM Darwin Laylo sa fifth round, NM Mark Jay Bacojo sa sixth round, IM Michael Concio Jr. sa eighth round at Alfredo Rapanot sa ninth at final round.
Tabla siya kay IM Jan Emmanuel Garcia sa seventh round.
“I knew that this was a tough tournament. I just tried to play my best and now I am really happy,” sabi ni Quizon na tinanggap ang top prize P30,000 plus championship trophy sa kanyang efforts sa 157 players’ field.
Bida rin si IM Ronald Dableo na ipinagmamalaki ng Philippine Army chess team at head coach ng University of Santo Tomas chess team na nakamit ang second place honors na may 8.0 points.
Sina Concio at FM Randy Segarra ay kapwa nakaipon ng 7.5 points tungo sa third at fourth place, ayon sa pagkakasunod.
MARLON BERNARDINO