IMACULADA CONCEPCION: SELEBRASYON NG KALINISAN NG PUSO

Walang pasok sa Maynila, Batangas at iba pang panig ng bansa kapag December 8. Bakit kaya?

Ang mga Filipino kasi, talagang malalim ang pananaw sa religion, at dahil 90 percent ng mga tao dito ay Katoliko, masasabing ang Pilipinas ay isang Catholic country, at ang Kapistahan ng Imaculada Concepcion ay itinuturing na napakahalagang religious event ng taon, pangalawa lamang sa Traslasyon ng Poong Nazareno kung January 9.

Lahat ng mga mananampalataya sa lahat ng panig ng bansa ay nagdiriwang sa sarili nilang mga bahay at sa Simbahan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng retreat, fiesta at salo-salo.

Kahit ang mga Katoliko sa Cotabato na pinamumugaran ng maraming Muslim ay magsasagawa ng pagdiriwang gaya ng religious activities, cultural shows at mga kompetisyon.

Sa Puerto Princesa City, Palawan, mayroon din silang cultural presentations and a grand fluvial parade. Ito kasi ang pagdiriwang ng kalinisan, hindi lamang ng pagkababae ni Inang Maria dahil ipinagbuntis niya si Jesus na walang malay sa kahalayan, kundi ng kalinisan din ng kanyang puso — dahilan kaya siya ang piniling maging ina ng Diyos.

Isipin na lamang ang isang 14-years old na batang babaeng inatasang dalhin sa kanyang sinapupunan ang isang sanggol sa loob ng 10 buwan.

Noong kapanahunan ni Mama Mary, ang babaeng magdadalantao ng walang asawa ay binabato hanggang sa mamatay. Ipinakipagsapalaran niya ang kanyang buhay sa pagpayag sa Utos ng Diyos, kaya dapat siyang pahalagahan.

Sa amin sa Batangas, deklaradong walang pasok sa iskwelahan at opisina kung December 7. Hindi ba bongga? At dahil natapat sa araw ng Linggo, extended ang walang pasok hanggang Lunes.

Napakaswerte raw ng mga isinilang ng December 8. Marami kasing nakiki-celebrate, may libreng pamisa pa. Kaya swerte si Violeta Tandog. But this time, mas pinili niyang i-celebrate ang Mama Mary day kesa sarili niyang birthday. Nagsagawa siya ng Marian Pilgrimage kasama ang kanyang pamilya, sabay sa pag-alala sa panganay na anak na tatlong taon nang lumisan, ngunit sa kanyang puso ay palaging nariyan lamang.

Ganyan kasi ang mga ina. Ganyan si Mama Mary — lumayo man tayo sa kanya, nananatili pa ring naghihintay. Umaasang sa pagwawakas ng panahon, muli tayong magkakasama-sama sa Paraiso.

Nenet Villafania