BUMABA ang imbentaryo ng nakaimbak na bigas sa bansa ng 7.5 porsiyento mula noong Pebrero hanggang Marso ngayong taon, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa inilabas na inventory report ng PSA, ang rice inventory ay nasa 1.41 million metric tons (MT) sa pagpasok ng Marso, bumaba ng 13.7 porsiyento year-on-year.
“With reference to the previous month, rice stocks exhibited month-on-month reduction in the household sector by -7.5 percent, in the commercial sector by -8.7 percent, and in NFA depositories by -1.6 percent,” ayon sa ahensiya.
Sa datos ng PSA, ang imbak na bigas sa mga kabahayan, na bumubuo sa 57.6% ng kabuuan, ay bumaba ng 6.2% o 811.52 MT.
Samantala, ang stock ng bigas sa commercial warehouses ay bumaba ng 19.2% habang ang nakaimbak sa National Food Authority depositories ay 33.9% ang ibinaba.
Sa parehong report, sinabi ng PSA na ang corn inventory ay bumaba rin ng 29.1% (317.86 thousand MT) mula 2022.