TUMAAS ang dressed-chicken inventory ng bansa hanggang noong Hunyo 18 sa 25,856.85 metric tons, mula sa 10,023.9 MT na naitala noong nakaraang taon, ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS).
Sa datos ng NMIS, ang pinakabagong chicken inventory ay mas mataas din sa lebel na naitala noong nakaraang buwan at sa naunang linggo ng 22.01 percent at 48.86 percent, ayon sa pagkakasunod.
Kalahati ng dressed-chicken inventory ay nagmula sa local producers, habang ang nalalabi ay inangkat sa ibang bansa.
Hanggang noong Hunyo 18, ang locally produced dressed chicken sa cold storages ay pumalo sa 12,06.09 MT, mula sa 3,740.04 MT na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ang imported dressed chicken sa cold storages ng bansa sa naturang panahon ay umabot sa 12,950.76 MT, mas mataas ng 106.09 percent sa 6,283.87 MT noong 2017.
Sa mga rehiyon sa bansa, ang National Capital Region ang may pinakamaraming imbentaryo ng local chicken sa 11,161.39 MT, kasunod ang Central Luzon na may 5,676.02 MT.
Ayon sa NMIS, isang attached agency ng Department of Agriculture (DA), hindi kasama sa bilang ang fresh, chilled chicken at mechanically deboned meat, gayundin ang mga nasa distribution channels.
Dagdag pa ng ahensiya, sakop lamang ng survey ang accredited cold-storage facilities. JASPER ARCALAS
Comments are closed.