IMBAKAN NG BALA NG NAVY NATUPOK

bala nasunog

CAVITE –NARINIG ang malakas na pagsabog nang magliyab ang imbakan ng mga bala ng Philippne Navy sa Naval Ordnance Depot sa Naval Base sa Sangley Point kahapon ng umaga.

Sa ulat na ibinahagi ni Philippine Navy Public Affair Office chief Commander Jonathan Zata, nagsimula ang apoy bandang alas-5:30 ng umaga.

Matapos ang dalawang oras at kalahati ay naapula rin ang apoy ng mga nagrespondeng tauhan ng Phil Navy, Phil Air Force at  Bureau of Fire Protection.

Nabatid  na ang natupok na igloo ay pinaglalagyan ng mga bala para sa mga small caliber firearms at bala para sa M203 with smoke grenades.

Dahil sa peligro kung lumaki ang sunog ay agad na pinayuhan ang mga kalapit na tanggapan sa loob ng naval base kasama ang mga on-base housing para sa mga AFP na maging alerto at pansamantalang magtungo sa designated evacuation areas.

Wala namang inulat na nasaktan sa insidente ayon pa kay Commander Jonathan Zata, kung saan inaalam pa kung magkano ang halaga ng mga natupok na gamit. VERLIN RUIZ

Comments are closed.