IMBAKAN NG MGA ARMAS NPA NAKUBKOB NG MILITAR

KALINGA- ISANG kuweba na pinaniniwalaang imbakan ng mga gamit at armas ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang nadiskubre ng 50th Infantry Battalion Phiippine Army, sa Sitio Ligayan, Barangay Balantoy, Balbalan.

Nakarekober ang mga tropa ng pamahalaan sa nasabing kuweba ang isang M16 rifle na baril, long magazine na naglalaman ng 20 bala, isang bandolier, tatlong metro ng electrical wire, tatlong tent, iba’t ibang mga gamot, subersibong mga dokumento, at ilang mga personal na kagamitan.

Ayon sa 5th Infantry (Star) Division Philippine Army, sa tulong umano ng mga residente sa naturang lugar kung kaya nakubkOb nila ang naturang kuweba na imbakan ng mga rebeldeng NPA.

Kanila umanong ibinahagi ang naturang impormasyon upang wala nang rason na daanan pa ng mga NPA ang kanilang lugar at hindi na sila katanggap tanggap sa kanilang lugar ang presensiya ng mga rebelde sa kanilang lugar dahil sa takot at kaguluhan na maidudulot nila.

Samantala, muli na namang nagpasalamat si M/Gen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry (Star) Division sa pakikipagtulungan ng mga residente upang tapusin ang insurhensiya sa kanilang lugar. IRENE V. GONZALES

46 thoughts on “IMBAKAN NG MGA ARMAS NPA NAKUBKOB NG MILITAR”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *