TUMAAS ang imbentaryo ng bigas ng National Food Authority (NFA) kasunod ng ipinatupad na mas mataas na buying price sa palay.
Sa ulat ng NFA, hanggang Mayo 15 ay karagdagang 2.41 milyong 50-kgs sako ng bigas ang nabili na ng ahensiya.
Mula ito sa higit 142,000 lamang na sako ng palay mula Enero 1 hanggang Abril 15.
Ayon kay NFA administrator Larry Lacson, patunay ito na naging epektibo ang hakbang na itaas ang buying price ng palay para mapalawak ang palay procurement ng ahensiya.
“I think the NFA Council’s strong understanding of NFA’s challenges has resulted in stronger collaboration. We thank Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr. and the Council for this,” sabi ni Lacson.
Sa kabuuan, aabot na sa 2.5 milyong sako ng palay ang nabili ng NFA hanggang nitong May 15 na katumbas ng 82.76% ng higit tatlong milyong target para sa naturang panahon.
Noong nakaraang buwan ay itinaas ng NFA Council ang procurement price per kilo ng palay sa P23 hanggang P30 para sa clean and dry palay mula P19 hanggang P23, habang ang buying price para sa fresh and wet palay ay itinaas sa P17 hanggang P23 mula P16 hanggang P19.
Ang ahensiya ay nagsimulang bumili sa mas mataas na presyo noong Abril 17.
“The new price scheme is really the game changer,” said NFA acting administrator Larry Lacson.
Patuloy namang siniskap ng ahensiya na maabot ang target nito sa oras na mag-anihan na ang mga magsasaka sa Bulacan.
“We’re still aiming to hit that target since there are other areas like Bulacan where farmers haven’t completed their rice harvest,” ani Lacson.
“Farmers I spoke to are very happy with this initiative of the administration of President Ferdinand Marcos Jr. to help farmers increase their income.”
PAULA ANTOLIN