IMBESTIGASYON SA AKSIDENTE NI EDDIE GARCIA ISASAPUBLIKO MATAPOS MAKITA NG PAMILYA

eddie garcia

INILABAS muna ng GMA Network ang announcement nila na tapos na angshowbiz eye imbestigasyon ng naganap na aksidente ni Mr. Eddie Garcia habang nagti-taping siya.  Narito ang kanilang statement.”

“GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia.  The family wishes to be given a copy before we share the report with the public.  Thank you.”

Kapag nabasa na ng family ni Mr. Eddie Garcia ang result ng internal investigation, isi-share rin naman ito ng GMA Network sa mga netizen, kung ano talaga ang nangyari during taping.

GARY V, OGIE, RANDY AT DINGDONG MAY KUNDIRANA REUNION SA ‘GREEN AND GO’

FOR the first time, magkakasama-sama ang mga dating Kundirana members ng La GARY V, OGIE, RANDY AT DINGDONG Salle Greenhills for a fund-raising concert mounted by La Salle Greenhills 1984 and is produced by actor Mandy Ochoa.

Sama-sama sina Randy Santiago, Gary Valenciano, Ogie Alcasid at Dingdong Avanzado sa concert titled Green & Go, green being the color of La Salle.

Pare-parehong member ng La Salle Greenhills Kundirana, nag-reminisce ang apat kung paano sila napasali sa Kundirana noong kani-kanilang years sa La Salle.  Hindi raw nila malilimutan ang mga experience nila noon:

Gary V: “Noon, nagpa-practice kami sa music room pagkatapos ng classes.  Kakain muna kami sa Unimart (supermarket), tapos balik din kami agad for rehearsal.  Kami-kami ang nagbibihis sa sarili namin, madalian, dahil wala pa naman kaming kasamang tutulong sa amin backstage, pero kailangang prepared kami. I think iyon ang nagturo sa amin para maging professionals, iyong ready sa lahat ng performances namin.”

Randy: “Napakahirap mapasok sa Kundirana.  Kahit magaling kang kumanta, kung hindi ka marunong sumayaw, hindi ka nila tatanggapin.”

Ogie: “ Ang hirap ma­ging member ng Kundirana, pagod ka sa rehearsals.  Kahit semestral break, nasa school pa rin kami para mag-rehearse.  Araw-araw iyon, para mag-prepare sa initial concert namin.  Minsan, dumugo na ang ilong ko sa pagod sa practice.”

Dingdong A: “Napa­kalaki ng naitulong sa a­ming apat ng pagti-training namin sa Kundirana.  Dito kami na-mold kaya labis ang pasasalamat namin sa aming Alma Mater.”

Nagpalakpakan nang malakas nang kantahin ng apat ang school hymn ng La Salle dahil ang gaganda ng boses nila, walang kupas.  After 30 years, pagkatapos ng kanilang unang concert sa ULTRA, Pasig City, ang “Kundi sa Ultra, Saan Pa Concert,” muli nga silang magkakasama-sama sa “Green & Go” na lahat ng proceeds ay ido-donate nila for the medical needs of their fellow LSGH alumni.  Isang malaking proyekto kasi ang kanilang pinaghahandaan.

Ang concert ay magaganap ngayong gabi, Sabado, July 6, 8PM sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.   Musical Director is Mon Faustino with Stage Direction of Paolo Bustamante na pareho ring LaSallian.  Pagkatapos ng concert, may after concert party featuring Route 70.

Ang iba pang sponsors ng concert ay ang Insular Oil, Chemalloy/USA 88, CDO Foodsphere, Inc., Fino Leatherware, and Petro Gazz.  Presscon venue partners are Hive Hotel and Brother’s Mustache.  Media partners are RX 93.1, MOR 101.9 and Inquirer. Net.

Tickets are available at Ticketnet.com.ph, Filoil Flying V Centre and through Ateam at 0917-7958283.