IMBESTIGASYON SA HELICOPTER CRASH NI KOBE SINIMULAN NA

Kobe Bryant

SINIMULAN  na ng  mga awtoridad ang imbestigasyon sa pagbagsak ng chopper na ikinasawi ni  basketball legend Kobe Bryant at walong iba pa, kabilang ang 13-anyos na anak nitong  si Gianna.

Nagtungo na sa crash site ang mga imbestigador upang maghanap ng clue kung ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng chopper.

Ayon sa naging piloto ni Kobe mula 2014 hanggang 2016, posibleng ang sobrang kapal ng hamog ang dahilan ng aksidente at hindi engine trouble.

Samantala, tatlo pa lamang sa siyam na labi ang na-recover at dinala na ito sa Los Angeles Hillside para kilalanin.

Patungo sana sila sa laro ni Gianna sa Thousand Oaks nang maganap ang insidente pasado alas-10 ng umaga ng Linggo (US time), Enero 26 sa Calabasas, California.

Nagluksa naman ang buong mundo dahil sa trahedyang sinapit ng mag-ama.

2 thoughts on “IMBESTIGASYON SA HELICOPTER CRASH NI KOBE SINIMULAN NA”

  1. 131372 712575You created some very first rate factors there. I seemed on the internet for the difficulty and located a lot of people will go along with together with your site. 272606

Comments are closed.