LA UNION- PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ni Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad ng isang training aircraft sa shoreline ng Barangay Canaoay, San Fernando sa lalawigang ito.
Sa inisyal na report, nakatanggap ng alert ang San Fernando Tower mula sa RP-C6923 na nagdedeklara ng emergency failure bandang alas-8:23 ng umaga nitong Martes.
Nagpadala na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng mga imbestigador para malaman ang pinagmulan ng nasabing insidente.
Matatandaang sumadsad ang nasabing eroplano sakay ang flight instructor at student pilot kung saan nagtamo ang mga ito ng minor injuries.
Agad na nakaresponde ang CAAP crash and fire rescue gayundin ang Philippine Coast Guard.
CRISPIN RIZAL